LEGAZPI CITY- Pumalo pa sa mahigit 100 ang binawian ng buhay sa nangyaring stampede sa isang religious event sa northern India.
Sa pinakahuling tala ay nasa 105 na ang namatay habang mahiti 80 ang nagtamo ng sugat.
Ayon sa impormasyon na matapos ang Hindu religious event sa Hathras district ng Uttar Pradesh ay nagmamadaling lumabas ang mga dumalo sa aktibidad kaya nagkaroon ng tulakan kung saan nadaganan ang mga biktima.
Karamihan sa mga nasawi ay mga kababaihan at mga bata.
Ayon sa inisyal na mga ulat na mahigit 15,000 ang nagtipon-tipon para sa naturang event kahit pa nasa 5,000 lamang ang pinahintulutan.
Kaugnay nito ay nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Indian Prime Minister Narendra Modi sa pamilya ng mga biktima at siniguro ang pagpapaabot ng tulong.