LEGAZPI CITY- Napaluha na lamang ang mga magulang 1- taong gulang na batang nalunod at nawala sa ilog sa Brgy Pawa sa Matnog, Sorsogon.

Ito’y matapos na makita at makumpirmang anak nga nila ang nakuhang bangkay sa tabing-dagat sa Brgy Tabunan, sa kaparehong bayan kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jay Gallano, Matnog MDRRMO Head, inabot ng halos tatlong araw ang paghahanap sa bata.

Pahirapan umano ang pagsasagawa ng search and rescue operation sa ilogh kung saan huling nakita ang bata dahil sa malabo ang tubig dala ng walang-patid na pag-ulan.

Ngunit kahapon lamang, pasado alas-7 ng umaga ng makitang palutang-lutang ang katawan nito, kung saan nahirapan pa umano ang mga awtoridad sa retrieval operation dahil sa malakas na alon dahil nasa mabatong parte ito ng dagat.

Kaugnay nito, muling nag-abiso ang ahensya sa mga magulang na bntayan ang kanilang mga anak at huwag papayagng maglaro lumangoy sa ilog ng mag-isa lalo pa’t hanggang ngayon ay masama pa rin ang panahon.