Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang General Luna, Surigao Del Norte kaninang alas-7:03 ng umaga.
May lalim itong 10km at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman rin ang Instrumental Intensity IV sa Cabadbaran City, Agusan Del Norte; Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, Silago, Southern Leyte; at Surigao City, Surigao Del Norte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, inaasahan ang mga aftershocks kasunod ng naturang lindo.
Pinangangambahan naman na nagdulot ng pinsala ang naturang pagyanig subalit biniberipika pa ito sa kasalukuyan.