LEGAZPI CITY- Niyanig ng magnitude 5.5 nalindol ang lalawigan ng Catanduanes kaninang 8:41 ng umaga.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na naging sentro ng naturang lindol ang bayan ng Gigmoto.
May lalim itong 10km at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman rin ang Instrumental Intensity I sa lungsod ng Tabaco sa Albay.
Salamtala, sinabi ng Phivolcs na hindi naman nagdulot ng pinsala ang naturang pagyanig habang wala ring inaasahan na mga aftershocks.