Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental dakong alas-7:56 ngayong umaga.
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 67km Southeast ng bayan ng Don Marcelino.
May lalim itong 47km at tectonic in origin, ayon sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Inaasahan naman ang ilan pang kasunod na aftershocks matapos ang lindol habang inaalam pa ng disaster management officials kung nakapagdulot ito ng pinsala.