LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Zambales ngayong tanghali ng Linggo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang episentro ng lindol sa layong 94km Timog-Kanluran ng San Antonio, Zambales dakong alas-12:41 ng tanghali.
May lalim itong 2km at tectonic ang origin.
Naramdaman naman ang mga intensities sa mga sumusunod:
Intensity I – Quezon City
Instrumental Intensities:
Intensity I – Marikina City; Olongapo City
Ayon sa Phivolcs, wala inaasahang pinsala ang lindol pero pinaghahanda pa rin ang mga residente sa posibleng aftershocks.