LEGAZPI CITY – Niyanig ng Magnitude 5.2 na aftershock ang Cataingan, Masbate dakong alas-5:50 ngayong umaga.

Natukoy ito sa layong 12 km ng timog-silangang bahagi ng naturang bayan.

Tectonic in origin ang pagyanig at may lalim na anim na kilometro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Patuloy ang paalala ng Phivolcs sa mga residente na maging alerto at pag-iingat dahil inaasahan pa ang mga kasunod na aftershocks bunsod ng Magnitude 6.6 na lindol na yumanig sa Masbate at iba pang katabing lugar kahapon.