(2nd Update) LEGAZPI CITY – Niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol ang Masbate dakong alas-3:26 ngayong hapon.
Batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro nito sa layong 10 km sa Timog-Silangan ng bayan ng Cataingan.
May lalim na 6 km at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman rin ang pagyanig sa:
Intensity IV – Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpus and Palanas, Masbate; Tagapul-an, and Almagro, Samar; Maripipi, Biliran
Intensity III – City of Catbalogan; City of Calbayog; Tarangnan, Samar; Kawayan, and Naval, Biliran; City of Masbate
Intensity II – Irosin, Sorsogon; Mapanas, Northern Samar; City of Roxas; City of Tacloban
Nakapagtala naman ng mga instrumental intensity ang mga sumusunod na lugar:
Intensity II – City of Masbate; Naval, Biliran; City of Legazpi
Intensity I – Malinao, Aklan; City of Ormoc; City of Roxas
Walang inaasahang aftershocks at pagkasira ng ari-arian dulot ng pagyanig.
Sa unang impormasyon na inilabas ng PHIVOLCS, Magnitude 4.5 ang lakas ng lindol sa island province.