LEGAZPI CITY-Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol na nasa Magnitude 4.5 pasado alas-2:33 ng hapon ngayong araw Huwebes, Hulyo 9, 2026.
Natukoy ang epicenter nito sa layong siyam na kilometro timog-kanluran ng Tuba, Benguet.
Ayon sa report, may lalim na 10 kilometro ang lindol at naramdaman sa iba’t ibang lugar sa Cordillera at Hilagang Luzon.
Sa instrumental intensities, naitala ang Intensity V sa Lungsod ng Baguio, Intensity IV sa Aringay, La Union, Intensity III sa Sison, Pangasinan, Intensity II sa Urdaneta, Pangasinan, at Intensity I sa Cuyapo at Lingayen, Pangasinan.











