LEGAZPI CITY- Naramdaman ang magnitude 4.2 na lindol sa Masbate nitong alas-9:03 ng umaga, Hulyo 14, 2026.
Nasukat ang sentro ng pagyanig sa bayan ng Claveria.
May lalim itong 10km at tectonic ang pinagmulan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, aftershock ito ng magnitude 5.4 na lindol na tumama sa lalawigan kahapon.
Batay sa tala ng naturang tanggapan ay wala namang inaasahan na anumang pinsala dulot ng naturang pagyanig.











