LEGAZPI CITY- Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Donsol, Sorsogon nitong umaga lamang.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology na may lalim na 15km ang naturang pagyanig at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman rin ang Intensity II sa lungsod ng Legazpi sa Albay habang Instrumental Intensity III sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Naitala rin ang Instrumental Intensity II sa bayan ng Donsol, Sorsogon at Intensity I sa Tabaco City sa Albay.

Samantala, wala namang inaasahang aftershocks o pinsala kaugnay ng naturang pagyanig.