Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Sabtang, Batanes kaninang ala-1:03 ng madaling araw.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na may lalim itong 27km at tectonic ng pinagmulan.
Wala namang inaasahan na pinsala o anumang aftershocks kaugnay ng naturang pagyanig.
Samantala, maliban sa naramdamang lindol ay nakataas rin ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa Batanes.
Ito ay kaugnay pa rin ng Bagyong Carina.