Photo © PHIVOLCS Magnitude 3.5 quake struck Rapu-Rapu, Albay

LEGAZPI CITY – Niyanig ng Magnitude 3.5 na lindol ang Albay dakong alas-3:03 ng madaling araw.

Namataan ang sentro ng lindol sa 16 kilometro sa Hilagang-Kanluran ng bayan ng Rapu-Rapu.

May lalim itong isang kilometro habang tectonic in origin.

Naramdaman rin ang pagyanig sa lungsod ng Legazpi.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa Intensity II ang instrumental intensity ng pagyanig.

Samantala, wala namang naitalang anumang pinsala sa lugar matapos ang lindol habang hindi rin inaasahan ang mga kasunod na aftershocks.