LEGAZPI CITY – Niyanig ng Magnitude 3.3 na lindol ang Camarines Sur dakong alas-6:53 ngayong umaga, Oktubre 16.

Natukoy ang sentro nito sa layong siyam na kilometro, Southwest ng bayan ng Canaman.

May lalim itong isang kilometro at tectonic in origin.

Naramdaman naman ang pagyanig sa Intensity III sa Canaman habang naitala ng mga instrumento ang sumusunod:

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Pili, Camarines Sur
Intensity III – Sipocot, Camarines Sur
Intensity II – Iriga City, Camarines Sur

Wala namang inaasahang aftershocks at pinsala kasunod ng lindol.