LEGAZPI CITY – Tumama ang Magnitude 3.3 na lindol sa Sorsogon dakong alas-9:11 ngayong umaga, Hulyo 22.
Sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong limang kilometro, Hilagang-Kanluran ng bayan ng Pilar.
May lalim na 82 km ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang aftershocks at pinsala na kasunod ng naturang lindol.