
LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng Magnitude 3.2 na lindol sa Catanduanes, dakong alas-6:21 ngayong umaga, batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 13 kilometro sa Timog-Silangan ng Caramoran, Catanduanes.
May lalim itong 13 kilometro at tectonic ang pinag-ugatan.
Wala namang inaasahang aftershocks o pagkasira ng mga ari-arian ang naturang pagyanig.