LEGAZPI CITY – Pinag-iingat ng Phiilippine National Police ang publiko sa mga insidente ng krimen matapos ang naitalang magkakasunod na pananaksak sa bayan ng Bulan sa Sorsogon.

Una rito, namatay ang dalawang buwang buntis na ina matapos na pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1 ng Barangay Quezon matapos na manlaban ng subukang gahasain ng suspek.

Kinabukasan agad namang naaresto ang suspek sa ikinasang hot pursuit operation ng mga awtoridad.

Isang babae din ang binawian ng buhay sa Barangay Zone 7 sa kaparehong bayan matapos na saksakin din dahil sa galit ng asawa nito.

Naaresto naman ang suspek na ngayo’y nakakulong na at nasampahan na ng kinauukulang kaso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Police Lt. Rudy Divinagracia, Deputy Chief ng Bulan PNP, mas pinaigting na ng kapulisan ang pagpaptrolya at pagbabantay sa nasasakupang lugar upang hindi na maulit pa ang mga kaparehong krimen.

Mariing abiso ng opisyal sa publiko na agad na ipigbigay alam sa himpilan kapag nakakita ng ganitong mga krimen upang mabilis na maaksyunan.