Nakapagtala na ng magkakasunod na aftershocks matapos ang pagtama ng magnitude 6.2 na lindol sa General Luna, Surigao Del Norte.
Kaninang alas-7:07 ng umaga ay naitala ang magnitude 2.5 na pagyanig na nasundan ng magnitude 2.2 na pagyanig kaninang alas-7:12.
Bandang alas-7:14 ay nasundan pa ito ng magnitude 1.3 na pagyanig na agad naman na nasundan ng magnitude 2.8.
Naitala rin ang magnitude 3.1 na pagyanig kaninang alas-7:20 ng umaga.
Pinangangambahan naman na masundan pa ang naturang mga aftershocks.
Samantala, inaalam pa kung may pinsalang iniwan ang magnitude 6.2 na lindol sa lugar.