LEGAZPI CITY – Ipinag-utos na ni Albay Governor Al Francis Bichara ang pagkansela sa Magayon Festival kaugnay ng isinagawang pulong sa lahat ng department heads ng provincial government.
Pangunahing nilalayon nito ang pag-iwas sa mga events na magdadala ng maraming tao na posibleng pagmulan ng iniiwasang 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD).
Ayon kay Provincial Tourism, Culture and the Arts Office (PTCAO) head Dorothy Colle, nais lamang umano ng pamunuan na mapanatili na “nCoV-free” ang Albay.
Mahigpit rin ang pagpapaalala sa publiko sa proper hygiene upang makaiwas sa anuman na impeksyon.
Agad namang magpakonsulta sa doktor kung makitaan ng mga sintomas ng virus kagaya ng ubo’t sipon, lagnat, hirap sa paghinga at iba pang “flu-like symptoms”.
Kaninang umaga nang magbaba rin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMC) Health Advisory Number 1 ang lalawigan.