Truck carrying 21 drums of hazardous wastes

LEGAZPI CITY – Pormal nang sinampahan ng kaso ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) ang driver at pahinante ng truck na nasabat, may kargang 21 drum ng hazardous wastes sa Brgy. Nabonton, lungsod ng Ligao.

Bigo ang mag-amang Job, 56 at Rakey CaƱaveral, 32 na pawang residente ng Brgy. Oma-oma sa lungsod na makapagpresenta ng permit para sa legal na pagbiyahe ng mga used industrial oil.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PNP CIDG Albay chief PMaj. Ronnie Favia, hindi pa batid ang totoong pinagmulan ng toxic wastes na pinaniniwalaang kinolekta mula sa maliliit na kumpanya.

Aminado si Favia na talamak ang ganitong operasyon sa ilang mga rehiyon dahil sa kakulangan ng kaalaman sa batas.

Kaugnay nito, iginiit ni Favia na may umiiral na batas ukol sa tamang pagtatapon ng mga ganitong uri ng kemikal na sakop ng Republic Act 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Act of 1990.

Samantala, nasa kustodiya na rin ng DENR Environmental Management Bureau (EMB) ang truck habang hinihintay sa ngayon ang karampatang disposisyon mula sa korte.