LEGAZPI CITY – Malabo pa umanong matupad ang posibilidad sa maagang release ng mid-year bonus para sa mga government employees.
Lumutang ang usapin matapos hingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-advance ang pagbibigay ng 13th month pay para sa mga empleyado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Department of Budget and Management (DBM) Bicol Director Renato de Vera, regular na ibinibigay ang midyear bonus hindi mas maaga kaysa Mayo 15.
May nakakasakop aniyang batas sa pag-release nito.
Posible naman aniyang magkaroon ng pagbabago kung magpasa ng joint resolustion ang naka-recess na Kongreso na magbabalik matapos ang Holy Week.
Una na ring tiniyak ni Budget Secretary Wendel Avisado sa mga empleyado na mayroon namang sahod kahit hindi pumasok para sa government offices.
Bawas rin umano ang gastos lalo na’t hindi na kailangang mamasahe, partikular na ang mga nasa “work from home” scheme.