Agad na umaksyon ang Legazpi City Police Station matapos ang pagkakadiskubre ng isang M26 hand grenade sa paligid ng Legazpi City National High School dakong 07:30 ng umaga, Setyembre 18, 2026.
Ayon sa impormasyon na nadiskubre ang naturang pampasabog habang nagsasagawa ng cleanup drive bilang bahagi ng kampanya laban sa dengue.
Agad naman itong ipinagbigay alam sa school administration, na siyang nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan.
Kaugnay ng insidente ay nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang mga kapulisan upang mabatid ang pinagmulan ng naturang M26 grenade.











