LEGAZPI CITY – Mariing nag-abiso ang mga otoridad sa mga pampasaherong sasakyang pandagat na sumunod sa mga ipinatupad na polisiya upang maiwasan na malagay sa panganiba ng buhay ng mga pasahero.
Kasunod ito ng naitalang insidente ng lumubog na bangka sa karagatang bahagi ng Claveria sa Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ronnie Atacador, head ng Aroroy Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, lumabas sa imbestigasyon na overloaded ang naturang bangka ng bumiyahe.
Napag-alaman na 34 lang ang capacity nito subalit mayroong sakay na 42 na pasahero at anim na crew.
Malalakas at malalaki ang alon ng mangyari ang insidente dahil sa epekto ng bagyong Aghon.
Isa pa aniya sa naging bayolasyon ng bangkero ay walang suot na mga safety equipment tulad ng lifevest ang mga pasahero.
Ayon kay Atacador, pasalamat na lang na may balot na plastic ang cellphone ng isang pasahero kaya nakahingi ng tulong.
Ilan sa mga pasahero ay nagtamo ng mga gasgas at pasa na sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na.