Iniutos ng Land Transportation Office (LTO) na imbestigahan ang mga depektibo at unserviceable na mga breath analyzers na na-purchase mula sa taong 2015 hanggang 2017.
Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, base sa ginawang inventory ng kanilang tanggapan, aabot lamang sa 288 sa kabuuang 756 units ang maaaring ma-recalibrate.
Pinuna ni Mendoza ang halos nasa P18-million na halaga at ginastos lamang umano sa mga ‘nonfunctional’ na kagamitan.
Una ay nais umano itong ayusin ng kanilang tanggapan upang maipamudmod na sa mga sa LTO personnel para mas mapaigting ang implementasyon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.
Ikalawa umano ay upang matukoy kung may lapses at sino ang dapat managot sa nakaraang administrasyon.
Samantala, inilahad naman ni Mendoza na umabot na sa P1-B na halaga ng penalidad na nakolekta ng kanilang tanggapan sa dalawang quarter ng taong 2024.