LEGAZPI CITY – Magkakaroon muna ng dayalogo sa publiko at mga concerned agencies kung nais na magpatupad ng “No Contact Apprehension” Policy ang anumang lokal na pamahalaan sa Bicol.

Ito ang naging abiso ni Land Transportation Office (LTO) Bicol Regional Director Francisco Ranches Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ranches, inisyatbo na ng LGU angnaturang polisiya subalit kailangang mabigyang linaw ang ipapatupad na guidelines.

Ganito kasi aniya ang naging problema sa pagpapatupad ng kaparehong problema sa Metro Manila kung saan inulan ng reklamo kaugnay sa dapat mapanagot sa violations.

Mayroon kasing mga sitwasyon na nakunan ng footage ang plaka ng sasakyan at nabigyan ng penalidad ang rehistradongmay-ari kahit hindi naman itoang driver ng mangyari ang paglabag.

Ang ibang sasakyan naman ay nakapangalan pa sa dating may-ari dahil hindi pa tapos ang pag-transfer ng sasakyan habangsa kaso ng ilang public utility vehicle (PUV) na operator ang nabibigyan ng ticket at hindi ang driver.

Naniniwala si Ranches na kailangan munang ayusin ang naturang isyu bago magpatupad ng kaparehong polisiya.

Sa kasalukuyan, wala pang ipinapatupadna”no contact apprehension” policy sa mga lokal na pamahalaan sa Bicol.