LEGAZPI CITY – Ganap nang isang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa Pilipinas, na pinangalanang Bagyong Enteng.
Dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang mabuo ito bilang tropical depression batay sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Patungong norte ang tinatahak nitong direksyon at inaasahang malayo sa kalupaan ng bansa habang papalapit sa southern islands ng Ryukyu archipelago.
Batay sa forecast ng PAGASA, posibleng lumabas na ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon.
Huling namataan ang bagyo kaninang alas-4:00 ng madaling-araw sa layong 375 km Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes na may dalang hangin malapit sa sentro na 45 km/h at pagbuso na 55 km/h at galaw na 10 km/h.
Samantala, inaasahang magdadala ito ng mahina, katamtaman hanggang sa kung minsan ay malalakas na pag-ulan sa Bicol at Eastern Visayas habang pinapalakas rin nito ang Hanging Habagat na nagdadala ng mga pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Abiso ng PAGASA ang pag-iingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng sama ng panahon.
Wala ring nakabababalang Tropical Cyclone Wind Signal sa ngayon.