LEGAZPI CITY – Asahan na umano ang mga malalamig pang gabi hanggang sa buwan ng Pebrero, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA Catanduanes chief Jun Pantino, nagpupuon pa sanang magtunaw an yelo sa Siberia na nagdadara nin malipot na panahon kun banggi.

Samantala, Hanging Amihan at ang Low Pressure Area sa bahagi ng Agusan del Sur ang nagpapaulan sa kasalukuyan sa malaking bahagi ng Bicol region.

Subalit tumama na umano sa kalupaan ang LPA ayon kay Pantino kaya’t wala nang posibilidad na mabuo pa itos bilang bagyo.

Mahigpit naman ang abiso sa mga maliliit na sasakyang-pandagat na huwag na muna pumalaot sa may silangang bahagi ng rehiyon dahil mapanganib ang katamtaman hanggang sa malalakas na mga alon.

Paliwanag pa ng weather specialist na nakakaranas din ng malalakas na pag-ulan kung minsan dahil sa epekto ng shallow La NiƱa at Shearline.

Sa forecast pa ng weather bureau, walang namomonitor na iba pang sama ng panahon na posibleng maging bagyo para sa buwan ng Enero.