LEGAZPI CITY- Patay ang isang 71-anyos na lolo at 8-anyos na apo nito matapos ma-trap sa loob ng nasunog na bahay sa Barangay Guinobat, Tabaco City, Albay.
Hindi na umano nagawang makaligtas ng naturang senior citizen dahil disabled na ito.
Ayon kay Tabaco City Fire Marshall at Bureau of Fire Protection Bicol Spokesperson Fire Senior Inspector Edgar Tañajura sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi nakalabas sa naturang bahay ang anim na indibidwal matapos sumiklab ang apoy.
Naisalba naman sa naturang insidente ang isang 68-ayos na lola, 34-anyos na anak nito at dalawang 6-anyos na mga pamangkin na nagpapagaling na ngayon, matapos magtamo ng mga paso sa katawan.
Sinabi ng opisyal na inabutan nila ang naturang mga biktima na nakakubli sa banyo ng naturang bahay.
Nabatid na conrete ang ilang bahagi ng naturang bahay habang gawa naman sa light materials ang itaas na bahagi nito kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Samantala, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad upang mabatid ang sanhi ng naturang sunog.