LEGAZPI CITY-Inilabas ng lokal na pamahalaan ng Sto.Domingo ang direktiba na tanggalin ang mga pangalan ng mga pulitiko sa mga government service vehicle alinsunod sa patakaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa political branding ban sa mga pampublikong asset.


Ayon kay Sto. Domingo Mayor Nomar “Bong” Banda, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang panukalang ito ay ipinatupad na bago pa ang kanyang termino bilang Alkalde ng Sto. Domingo Albay, alinsunod sa circular memorandum 101 of 2010 na nagbabawal sa mga pangalan ng mga politiko sa mga sasakyan at mga proyekto nito.


Bago aniya siya maupo sa pwesto, ipinapatupad din niya ito lalo na sa kanilang mga rescue vehicle na kailangan ng publiko.


Ipinapalagay din nila na kahit ang mga sasakyan sa munisipyo ay dapat walang pangalan dahil sumusunod sila sa mga alituntunin ng local government unit (LGU).


Dagdag pa niya, pinalakas ng opisyal ang direktiba ng Commission on Audit (COA) na ipagbawal ito at dapat ang trabaho ng mga lokal na opisyal ay ipatupad lamang ang kanilang mga mandato.

Sa kasalukuyang administrasyon, sinabi din ni Banda na ang mga transaksyon ng Sto. Domingo ay nararapat na sundin nga mamamayan nito kasabay ng mga programa ast mga proyekto ng barangay na bukas din para sa lahat ng residente na makilahok.


Hinimok din ng opisyal ang mga mamamayan ng Sto Domingo na unti-unti nilang aayusin ang mga problema sa tubig at iba pang pangangailangan ng mga residente.