LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ang pagsu-supply ng tubig ng Pio Duran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office dahil sa nararanasang kakulangan ng suplay dulot pa rin ng matinding init ng panahon dahil sa El Niño.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Pio Duran MDRRMO head Noel Ordoña, sinabi niong maraming mga residente na nakatira sa upland barangays ang nakakaranasa ng panunuyo ng water sources.

Karamihan umano sa mga poso at ilog na dating napagkukunan ng tubig ay nanunuyo na kaya napagpasyahan na magkaroon na ng water rationing.

Halos araw-araw na nag-iikot ang mga tauhan ng ahensya lunad ng fire truck upang magdala ng tubig sa mga apektadong residente.

Malaking tulong tulong umano ito upang may magamit ang mga residente sa paliligo, paglalaba at iba pang pangangailangan.

Abiso naman ng opisyal sa mga residente na magtipid muna sa paggamit ng tubig at doblehin ang pag-iingat lalo na sa mga sakit na posibleng i-dulot ng matinding init ng panahon.