LEGAZPI CITY- Matinding pinsala ang iniwan ng bagyong Kristine sa bayan ng Libon, Albay matapos ang naranasang mga pagbaha.
Ayon kay Libon Mayor Das Maronilla sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na katumbas ng sa tatlong buwan ang ibinagsak na ulan na nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng bayan.
Itinuturing naman ng opisyal bilang ‘worst flooding’ sa kasaysayan ng naturang bayan ang kanilang naranasan sa nakalipas na araw.
Kaugnay nito ay nananawagan ng tulong ang alkalde lalo na sa mga government agencies tulad na lamang ng malinis na inuming tubig para sa mga residente na naapektuhan ng kalamidad.
Paliwanag ni Maronilla na karamihan kasi sa mga water refilling stations ay sarado pa rin.
Ayon sa alkalde na kung may mga nais na nagpaabot ng tulong ay maaaring ibigay sa lokal na pamahalaan dahil ilang mga kalsada pa rin ang hindi madaanan.