naked tourists in green lava

LEGAZPI CITY-Mariing kinondena ng lokal na pamahalaan ng Daraga ang umanoy pambabastos ng ilang turista sa kilalang pasyalan na Green Lava.

Ito matapos ang pagkuha ng larawan ng ilang indibidwal sa naturang pasyalan habang walang saplot.

Aniya tila paglapastangan umano ang ginawa ng mga ito sa kultura at tradisyon ng naturang bayan.

Sa pahayag ni Daraga Mayor Victor Perete, sinabi nito na ipinag-utos a rin sa Daraga Tourism, Culture and the Arts Office (DTCAO), the Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Daraga Municipal Police Station ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng insidente.

Dagdag pa nito na ang freedom of expression ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng respeto at cultural dignity.

Matatandaan na ang Green Lava ay isa sa mga dinadayong pasyalan sa bayan ng Daraga dahil sa magandang view ng bulkang Mayon.