LEGAZPI CITY – Hindi maiwasang makaramdam ng kalungkutan ni Vice Mayor Jorem Arcangel ng Jovellar, Albay sa halos magkasunod na pananambang sa Albay First Provincial Mobile Force Company at pamamaril sa dalawang barangay officials sa Brgy. San Isidro.
Nagresulta ang mga nasabing insidente sa pagkasawi ni PCpl. Emerson Belmonte ng Albay 1st PMFC at mga opisyal ng barangay na sina Brgy. Treasurer Eldelbrando Moina at Brgy. Councilor Jose Arthur Clemente.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Arcangel na sa aabot sa 10 taon na pagiging opisyal sa bayan, halos “zero-crime rate” umano ang lugar.
Itinuon ang atensyon sa pagpapaganda ng mga tourism sites.
Kasabay naman ng Philippine Independence, binuksan na ang underground river sa Jovellar kaya umaasa ang bise alkalde na hindi maapektuhan ng mga insidente ang turismo sa lugar.
Samantala, hinihintay pa ng opisyal ang full report sa relasyon ng dalawang insidente batay sa isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan.