LEGAZI CITY – Bibida ang ilang local artists sa isasagawang exhibit sa lalawigan ng Catanduanes na magsisimula sa mismong araw ng Valentines Day bilang bahagi ng National Arts Month.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Virac Municipal Tourism Officer Mariel Torzar, nasa 40 local artists ang mabibigya ng pagkakataon upang ipakita ang mga gawang obra sa gagawing Sining Pandemya sa darating na Pebrero 14 hanggang 19.

Nilalayon ng Sining Pandemya na maihayag o mailabas ng mga local artists ang mga pinagdaanan at emotional stress na dulot ng COVID-19 pandemic.

Kasama na ang pag-enganyo na gawing paraan ang arts bilang mental health preservation.

Hindi lang limitado sa mga kabataan ang exhibit dahil kasama rin ang mga local artists na nasa ‘mid-life’.

Ibinase ang tema na Sining Pandemya sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ng bansa.

Gagawin ang aktibidad sa 2nd floor ng Center Mall kung saan bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi ang showing at selling exhibit.