
LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng 131 rockfall events sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Maliban dito ay nagkaroon rin ng limang Pyroclastic Density Currents o uson.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay patuloy pa rin ang pamamaga ng bulkan.
Matatandaan na kahapon lamang ay itinaas na sa alert level 3 ang alerto ng bulkan dahil sa pagtaas ng aktibidad nito.
Samantala, hindi nama inaalis ang posibilidad ng biglaan na pagputok ng Mayon volcano kaya patuloy na pinag-iingat ang publiko.










