LEGAZPI CITY- Labis ang kalungkutan ngayon ng isang residente ng Barangay Mayon sa bayan ng Daraga, Albay matapos madiskubre na wala ng buhay ang limang alaga nitong kambing.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gregorio Cimanez, sinabi nito na naabutan nila na nilalapa ng mga stray dogs ang kaniyang alaga.
Kwento nito na hindi ito ang unang pagkakataon na naperwisyo ang mga alaga niya dahol minsan na ring nilapa ng mga asok ang kanilang mga manok.
Aminado ang naturang residente matinding pagkalugi para sa kaniya ang nagyari lalo pa at nasa P15,000 ang puhunan niya sa naturang mga kambing.
Dagdag pa ni Cinamez na plano na plano na sana niyang ibenta ang mga alaga subalit hindi inasahan na masasayang lamang ito dahil sa kagagawan ng naturang mga stray dogs.
Dahil sa insidente, nanawagan ang naturang residente sa barangay na maaksyunan ang problema at mahanap ang may-ari ng naturang mga aso upang mabigyan ng kompensasyon ang nangyari sa kaniya.
Samantala, sa hiwalay na panayam sa mga lokal na opisyal ng barangay, sinabi nito na nakikipag ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan upang matulungan na mahuli ang naturang mga aso na nagdudulot ng perwisyo sa mga residente.