Malaking pinsala ang idinulot sa Gaza ng pinakahuling missile attacks sa pagitan ng Israel at Palestinian militants na nagpasimula noong Mayo 10.
Ito ang nadatnan ng libo-libong Palestinians na umuwi na sa lugar matapos ang 11 araw na kaguluhan at pagpapatupad ng ceasefire.
Higit 250 katao ang nasawi kabilang na ang mga bata habang mas marami ang naitalang danyos kung ihahambing sa itinuturing pinakamarahas na labanan noong 2014.
Limitado lamang sa ngayon ang suplay ng tubig at kuryente sa lugar.
Aabutin rin umano ng ilang dekada ang muling pagbangon at pagrecober ng lugar ayon kay Fabrizio Carboni, Middle East director for the International Committee of the Red Cross (ICRC).
Samantala, nakarating na rin sa Gaza ang mga paunang tulong ng medisina, pagkain at petrolyo mula sa iba’t ibang aid agencies at United Nations, ilang oras matapos ang pag-anunsyo ng ceasefire.