(Update) LEGAZPI CITY — Malungkot ngunit puno ng kabayanihan ang magiging pagdiriwang ng kaarawan ng ama ng Albayanong sundalo na namatay sa bakbakan sa Lungsod ng Marawi.
Ito’yy matapos na mabatid na nakatakdang ilibing sa kaarawan ni Kapitan Juan Lunas ng Baranagy Hindi, bayan ng Bacacay sa Albay, ang anak nitong si Private Bernie John Lunas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bacacay Mayor Dinky Romano, napag-alaman na naka-set na ang libing ng itinuturing na isa sa mga bayani ng bansa habang inihahanda na rin ang ibibigay na financial assistance sa pamilya Lunas.
Sa kabilang dako, buhos ang pakikiramay ng lahat ng nakakakilala at mga kapwa Bicolano kay Private Lunas habang hindi pa rin makapaniwala ang ina ng sundalo na wala na ang anak nito lalo na’t nangako itong uuwi ng ligtas sa pinakahuli nilang pag-uusap.
Sa ngayon, naka-half mast ang watawat ng Pilipinas sa bayan bilang pagpupugay sa mga nagbuwis ng buhay sa layunin ng kapayapaan sa bansa.