LEGAZPI CITY – Naglunsad ng mga intervention ang lokal na pamahalaan ng Camalig sa Albay upang mapigilan ang pagtaas ng insidente ng suicide sa bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Camalig Information Officer Tim Florece, ginawa ang hakbang matapos ang naitalang pagpakamatay ng isang indibidwal sa lugar noong nakaraang linggo.

Dahil dito, nagkaroon ng pag-uusap ang lokal na pamahalaan at iba pang concerned agency kung saan isa sa mga nagin agenda ay magkaroon ng Camalig suicide prevention hotline.

Nilalayon nito na matulungan na magkaroon ng makakausap at malalapitan ang mga nakararanas ng depression at iba pang mental illness.

Target din na magsagawa ng massive information education and communication activities sa mga paaralan at barangay tungkol sa suicide awareness at mental health care.

Sakop ng naturang hakbang ang mga magulang dahil sila ang may malaking papel sa pag-intindi at pagturo lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Florece, para sa mga indibidwal na may mabigat na pinag-dadaanan tulad ng depression o gusto ng makakausap, tumawag lang sa Camalig suicide prevention hotline na 09171124971.