LEGAZPI CITY – Malungkot na ibinalita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na wala pang nakikitang senyales na pagbuti na ng sitwasyon ng bulkang Mayon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas, sa katunayan mas tumaas pa ang abnormalidad sa mga parametro ng bulkan ngayong Agosto kumpara noong nakalipas na dalawang buwan.

Kasama na rito ang pagdami ng volcanic tremor o paglindol sa bulkan na nililika ng magma.

Dumami rin ang low frequency volcanic earthquakes na nililika naman ng pagsirit o paglabas ng volcanic gas.

Lumala rin ang pamamaga sa lower hanggang upper slopes ng bulkan at tumaas din ang seismic energy release kumpara noong mga nakaraang buwan.

Ayon kay Bornas, indikasyon ito na hindi bumababa ang kondisyon ng bulkan imbes mas tumaas pa ang level of unrest.

Dahil sa pagbago ng mga seneryo ngayong buwan hindi pa rin inaalis na mauwi sa explosive eruption ang patuloy na pag-aalbutoro ng bulkan.

Sinab ni Bornas na kung mangyari ang naturang pagsabog, ito ang unang pagkakataon na makaranas ng explosive eruption matapos ang ilang buwan na effusive eruption o patuloy na pagbulwak ng lava.