LEGAZPI CITY – Inihayag ng National Irrigation Administration Bicol na walang naging epekto sa sektor ng agrikultura ang dalang ulan ng bagyong Aghon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Gaudencio De Vera, Regional Manager ng National Irrigation Administration, sinabo nito na malaking para sa mga magsasaka ang ibinagsak na ulan sa rehiyon.
Sa katunayan ay tumaas ang lebel ng tubig sa mga adam at naging functional na ang ilang irrigation na natuyo dahil sa matinding init ng panahon.
Malaking kaginhawan aniya ito sa mga magsasaka lalo pa’t pagpasok ng buwan ng Hunyo panahon na pagtatanim.
Samanta, naghahanda na rin ang tanggapan sa posibleng epekto ng La NiƱa kung saan nagsimulang mag-organisa ng quick response team.
Target din na palalimn ang mga ilog upang makaiwas sa mga pagbaha at mabawasan ang epekto nito.