LEGAZPI CITY- Nagsimula ng mag-ikot sa lungsod ng Legazpi ang team ng Smoke Free Unit para sa search for 100% Smoke Free Establishment.
Kabilang sa mga binibisita ang mga barangay hall, mga government offices at iba pang mga gusali.
Ayon kay Legazpi Smoke Free Unit Head Jose Balbin sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na katuwang nila ang City Health Office, Bureau of Fire Protection at iba pang mga stakeholders.
Simula Agosto 1 ay nasa 150 na mga establishimento na umano ang nabisita nila at nasa 15 na mga establishments ang nakita na 100% ang compliance sa pagigin smoke free.
Noong nakalipas na taon ay tinatayang nasa 400 establishments ang na-inspeksyon subalit sinabi ng opisyal na marami ang bagong bukas na negosto sa lungsod kaya target ngayon na makapag inspeksyon na nasa 500 na mga gusali.
Kaugnay nito ay muling nagpaalala si Balbin na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar dahil layunin nito na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.