LEGAZPI CITY – Plano ng Department of Education na mabigyan ng insentibo ang mga atleta mula sa lungsod ng Legazpi na nakapag-uwi ng medalya sa nakalipas na Palarong Bicol 2024.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Francisco Dexter Sison an Sports Officer, head ng Legazpi Schools Division Office, nakapagsumite na sila ng resolusyon sa Sangguniang Panglungsod na nagsusulong na mabigyan ng cash incentives ang mga atleta na nakapagdala ng karangalan sa lungsod.
Positibo naman umano ang naging reaksyon dito ng Sanggunian na planong maglaan ng pondo para sa tulong pinansyal sa mga atleta.
Kabilang sa mga posibleng mabigyan ang nasa 25 atleta na nakapag-uwi ng gold medals, 24 silver medalists at mga nakasungkit ng bronze medals.
Nilinaw naman ni Sison na dati ng nagbigay ng insentibo ang tanggapan na nagkakahalaga ng P3,000 para sa pagsasailalim ng mga ito sa training bago ang Palarong Bicol.
Siniguro naman ng opisyal ang suporta sa mga atleta lalo na ang mga sasabak sa Palarong Pambansa sa Cebu sa Hulyo 11 hanggang 15.