LEGAZPI CITY- Nakabukas ng 24 oras ang Legazpi City Pharmacy sa lalawigan ng Albay para masiguro na mayroong suplay ng gamot sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pepito.
Ang mga nasabing gamot ay katulad na lamang ng panlaban sa sakit sa ulo, lagnat, ubo at sipon at ito ay libre para sa lahat ng apektado.
Ayon kay Ronald Joy Mina, ang EMT MSPH Legazpi City HEMS Coordinator, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, 24/7 hours bukas ang kanilang operasyon kung saan ito ay nakatuon sa disaster response and health.
Ang mga serbisyo katulad ng medical and public health, nutrition, water sanitation and hygiene, at mental health and psychosocial support ay dadalhin ng Legazpi City Health Office sa mga apektadong kababayan na sa ngayon ay kasalukuyang nasa evacuation centers.
Magpapatuloy ang kanilang serbisyo sa kasagsagan ng bagyong Pepito at mas lalo na kapag tapos na ang nasabing bagyo.
Ang kanilang ahensya ay bukas para tumulong bago pa man ang bagyo at mayroon na silang interventions sa mga evacuation centers.
Dagdag pa rito, mayroon na rin silang plano pagkatapos ng paghagupit ng bagyo at magsisimula na sila sa pagreresponde.
Mensahe naman ng opisyal na sana seryosohin ng mga kababayan ang peligrong ito at sundin ang mga namumuno sa kanilang lugar para sa kanilang ligtasan.