LEGAZPI CITY – Nakatutok na ngayon ang lokal na gobyerno ng Legazpi para sa paghahanda sa papalapit na selebrasyon ng Ibalong Festival.
Isasagawa ang aktibidad ngayong Agosto 12 na magtatagal ng hanggang 30.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Cristina Agapita Pacres ang Tourism Officer ng Legazpi City, kagaya ng mga nakalipas na taon, maraming mga aktibidad ang isasagawa sa festival kagaya ng Mutya ng Ibalong, Grand parade, Beer Plaza, concert, fireworks display, zumba at iba pa.
Subalit isa sa pinaka-inaabangan ngayong taon ay ang Mt. Mayon Bike Challenge 2024.
Maraming mga bikers mula pa sa ibat ibang bahagi ng bansa ang makikilahok sa karera ng mga bisekleta na may haba na nasa 120km.
Umaasa ang opisyal na magiging matagumpay ang pagsasagawa ng aktibidad at makapagbigay ng kasiyahan sa publiko.