Nagkatotoo ang antisipasyon ng basketball ng mga fans na magkakasama sa isang koponan ang mag-amang Bronny at LeBron James.

Ito matapos mapili ng Los Angeles Lakers si Bronny bilang 55th pick sa 2024 Draft.

Dahil dito ay ang mag-ama ang magiging pinaka unang father-son duo sa NBA na maglalaro sa iisang koponan.

Bago pa man ang NBA draft ay naging matunog na nag pangalan ni Bronny.

Ang 19-anyos na basketball player ay nakaranas ng cardiac arrest na nagresulta sa congenital heart defect.