LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na tumataas ang naitatalang mga aktibidad ng Bulkang Mayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PHIVOLCS resident volcanologist Dr. Paul Alanis, kahapon nang mamonitor na mayrooong lava front collapse o pagkahulog ng mga lava flow sa bahagi ng Mi-isi Gully.
Nagresulta ito sa Pyroclastic Density Currents (PDC) o tinatawag na uson na tila isang maitim at makapal na usok.
Ito ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang pagpasok sa 6km permanent danger zone ng bulkan at pagsasailalim sa preparedness status ng mgaresidenteng nakatira sa 7-8km extended danger zone.
Ayon kay Alanis, wala pa ring nakikitang dahilan upang itaas na ang alert level ng Mayon at wala ring indikasyon na malapit nang magkaroon ng explosive eruption.
Sa kabilang dako, kilnaro ng opisyal na hindi totoo at walang namataang lava cave formation sa Basud Gully sa bayan ng Sto.Domingo dahil sa wala aniyang lava na dumadaloy pababa mula rito at tanging ang mga PDC at rockfall events lamang ang bumabagsak.
Samantala, nilinaw din ni Alanis na walang kinalaman ang bulkan sa naitalang magnitude 4.0 na lindol sa bayan ng Rapu-rapu nang nakalipas na araw dahil sa tectonic umano ang pinagmulan nito.
Gayunpaman posibole itong magkaroon ng epekto sa bulkan lalo na kung malakas, dahil sa posibleng magresulta sa rockfall events.
Sa ngayon, patuloy pa ring minumonitor ang mga parametro ng bulkan kaya abiso na lamang sa publiko na sumunod ipinapatupad na abiso ng mga upang hindi mapunta sa alanganing sitwasyon.