Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon volunteered to be the referee in the event of a charity boxing match between Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III and Davao City acting Mayor Baste Duterte.

Nagboluntaryo si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon na maging referee sakaling magkaroon ng charity boxing match sa pagitan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III at Davao City acting Mayor Baste Duterte.

Naniniwala rin ang opisyal na magandang intensyon ang pagpupulong ng hepe ng pulisya at anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-ugat ito sa hamon ni Baste kay Torre na lumaban — bagay na kinagat ng police official at sumagot na maaari silang magharap sa isang “charity boxing match” sa Araneta sa Linggo.

Mula noon, lumabas ang mga video tungkol sa pagsasanay ng PNP chief sa boxing.

Inilatag ni Baste ang kanyang mga kondisyon at sinabing kailangan munang sumailalim sa hair follicle drug test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Baste na lahat ng mga halal na opisyal ay dapat ding sumailalim sa drug testing; at kung makumbinsi ni Torre si Marcos na utusan ito, tatanggapin niya ang hamon para sa boksing.

Sa ngalan ng Palasyo, naghatid ng mensaheng “Good Luck” si Palace Press Officer Claire Castro sakaling matuloy ang laban.