LEGAZPI CITY – Hinihintay pa ng Land Transportation Office ang ibababang kautusan kaugnay ng posibleng paghuli sa mga unconsolidated jeepney.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Land Transportation Office Bicol Director Francisco Ranches, nakadepende na umano sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung tuluyang iko-kunsidera bilang colorum ang mga jeep na hindi nakasunod sa kautusan ng pamahalaan kaugnay ng jeepney modernization program.
Aminado ang opisyal na mahirap na manghuli ng mga unconsolidated jeepneys lalo pa at karamihan sa mga ito ay may prangkisa at may lisensya naman ang mga driver.
Plano naman ng ahensya na magbigay muna ng warning sa mga mahuhuling magba-biyahe bago mag-issue ng ticket at penalidad sa susunod na mga linggo.
Subalit kumpiyansa naman si Ranches na kakaunti na lamang ang mga drivers na maaapektuhan lalo pa at nasa 90% na ng mga jeep sa rehiyon ay nakiisa sa consolidation.