LEGAZPI CITY- Isa ang lalawigan ng Sorsogon sa maagang nagpahayag ng commitment na umagapay at magpaabot ng tulong sa lalawigan ng Catanduanes.
Ito matapos ang mapaminsalang epekto ng super typhoon Pepito na tumama sa naturang island province.
Ayon ibinahaging impormasyon ni Sorsogon provincial government spokesperson Dong Mendoza na nagbigay na ng commitment si Governor Boboy Hamor para sa paghahatid ng tulong sa naturang lalawigan.
Matatandaan kasi na una ng nanawagan si Catanduanes Governor Boboy Cua na tulungan ang lalawigan para sa mas mabilis na pagbangon mula sa pagkakadapa sa epekto ng kalamidad.
Sa kasalukuyan ay hindi pa mabatid ang kabuuang pinsala na iniwan ng super typhoon Pepito sa lalawigan lalo pa at pahirapan ang linya ng komunikasyon sa ngayon.